
Ang bebe ko ang nagbigay sa akin ng ideya na i-share eto sa inyo. Kanina kasing hapon, naiyak siya sa sobrang tuwa at lungkot din. Basta masyado siyang emosyonal kanina. Gusto niyang pasayahin ko siya! Kwentuhan ko daw siya. Wala akong maisip na kwento. Kaya gumawa na lang ako ng aking mga sariling kwento. Take note, “mga” kwento. So, di lang isa kundi, madami eto. Simulan natin sa una kong kuwento,
Medyo napakamot ako sa lalamunan ko nang biglang pumasok sa isip ko ang aking “adam’s apple”.
At eto ang unang kwento, kung bakit nagkaroon ng Adam’s apple kaming mga lalaki at bakit eto tinawag na Adam’s apple?
Marahil, may ideya na kayo na eto ay tungkol kay Adam at Eve. Pinakaunang couple sa mundo.. Isang araw, habang naglalakad sa farm si Eve, napadaan siya sa isang puno ng apple. Since, madami namang puno ng apple sa farm, dedma lang siya dito.
Paglagpas ni Eve sa puno, me narinig siya na sitsit! “PSSSSSST! Binibini, mukhang ikaw ay gutom? Baka gusto mong tikman ang masarap na mansanas na to?” sabi ng boses.
“Sino ka?” tanong ni Eve.
“Ako si Manny Pakyaw. Ang namamakyaw ng mga prutas dito sa farm..”
“Teka, isa kang snake! Paano mangyayari yun?” pagtataka ni Eve.
“Sigh…it’s a long story!” sagot naman ni Manny.
“Anyway, sige na tikman mo to! Libre lang. Matamis, makatas at masarap!”
“Wait! Baka naman, isa to sa mga promo niyo ha? After ko kainin eh, kung anu-ano na i-ooffer mo sa akin? I tell you, ngayon pa lang, wala akong pera! Kakabayad ko lang sa bra na kinuha ko sa AVON!” paliwanag naman ni Eve.
“Wala! Wala! Libre to!” sambit naman ni Manny.
“Sure ka ha?”
“Promise! Sige na get one na before I change my mind!” iritang alok ni Manny.
“Sarap nga!”
“See, I told yah!”
Nang biglang,
“Eve! What the hell are you doing?” sigaw na tanong ng isang lalaking may American accent. Nagtatabraho ata sa call center.
“Are you blind? What do you think am I doing? Kumakain ng apple and libre to!” sagot ni Eve.
” Di mo ba alam na forbidden fruit yan?”
“Adam, pwede ba! Kung forbidden yan bakit nanadito sa garden at hinahayaan na pitasin at kainin?”
“Di ka ba marunong magbasa?” Tingnan mo yung mga signs sa baba ng puno!”
“Keep off the grass! Beware of dogs! No trespassing!” Di pa ba yan sapat para malaman mo na forbidden ang apple na yan?”
“Adam, Adam, Adam, napa stupid mo talaga! Keep off the grass? Eh nasa pathway naman ako! Semento to!
Beware of dogs? Eh ahas lang nanjan at siya pa ang nag-offer sa akin ng apple!
No trespassing eh, isa lang ako kahit dalawa pa tayo, di pa rin siya tres! Dos lang!” bobo ka talaga, galit na pag-explain ni Eve.
“Honga no? Pero kahit na, pagagalitan tayo ni BOSS niyan pag nalaman niya na kinain mo yan!”
“Paano niya malalaman? Pag may nagsabi, oo, pero pag wala, eh di wala!”
“Sorry to cut you off Eve, Adam try mo?” offer ni Manny.
“Ayoko talaga! Si Eve na lang kasi mukha naman siya patay gutom!”
“OA mo ha! Sige na kahit nibble lang! I tell you, di ka magsisisi!” pilit ni Eve kay Adam.
“Sige na nga!”
“Hmm! In fairness, masarap siya ha! I wonder why siya pinagbawal ni BOSS?”
Nang biglang,
” Adam, Eve! Kanina ko pa kayo hinahanap ah! Anong ginagawa niyo jan? Di ba sabi ko bawal kayo jan?” boses na galing sa kanilang likuran.
Sa sobrang takot ni Adam, nilunok niya ang apple subalit, sa kasamaang palad, sa laki ng apple, di eto nagkasya sa lalamunan niya. Pilit ni Adam na lunukin ang apple pero di talaga kaya. Nacho-choke na siya. Namumutla at nawalan ng malay. Pag gising niya,
“Kamusta ka na?” tanong ng BOSS niya.
“Ok naman po. Ano po ang nangyari sa apple?” pagtatakang tanong ni Adam.
” Wala, nanjan pa rin sa loob. Ang kayang ko lang gawin ay paliitin ng konti pero dahil eto ay isang forbidden fruit, may sarili etong kapangyarihan na di ko macontrol. Unfortunately, it will stay there forever. Wala na akong magagawa niyan. ” patapos ng BOSS niya.
Simula noon, napilitan si Adam na tanggapin na lang ang mga pangyayari.
About Eve, since siya ang pasimuno ng lahat, napagdesisyonan ng BOSS nila na lahat ng mabibigat na responsibilities ibigay sa kanya. Gaya na lang ng pagbubuntis at marami pang iba! Too many too mention….
THE END
moimoi